scriptures of a wandering soul

these are my emotions. this is me.

Wednesday, February 15, 2006

basta basahin mo nalang

isang araw, naglalakad ka sa ilalim ng mga puno. dinadama mo ang ihip ng hangin na sumasalubong sayo. naririnig mo ang mga ibat ibang uri ng tunog mula sa kalikasan. naalala mo lahat ng maliligayang panahon na naranasan mo at unti unti kang napapangiti.

tapos bigla kang mamamatay.

ganun lang. tipong parang kumurap ka lang tapos alam mo na lang na patay kay na. syempre mabibilisan ka sa mga pangyayari. pag daraanan mo ang isang malamig at kakaibang kalungkutan.

naligaw ka na ba? yung wala kang ideya kung nasaan ka at ang mga kasama mo? malamang ganun ang mararamdaman mo. tumatakbo ka sa kawalan. wala ka namang tinatakbuhan. wala ka din namang patutunguhan. yung tipon ke tumakbo ka o hindi wala ring saysay. diba ang lungkot talaga?

balik tayo sa kwento.

eh di patay ka na nga noh. pupuntahan mo yung mga taong mahal mo. susubukan silang kausapin. yayakapin, hahalikan, hihingi ng patawad at lahat ng walang kwentang bagay. walang kwenta kasi mukha ka lang gago na pinipilit ang imposible. parang batang nag-iiiyak habang minamasdan ang tren lulan ang kanyang ina. walang magawa. mala kang magagawa.

tapos malulungkot ka nanaman. maaawa ka nanaman sa sarili mo. iiyak hahagulgol, maglululumpasay. kaso tulad ng dati, walang kwenta.

eh di magiisip ka nyan ng paraan kung pano magkakasay-say ang iyong mga ginagawa. maalala mo yung mga pelikula na may kaugnayan sa kamatayan. una mong susubukan yung sumanib sa katawan ng ibang tao. kaso matutuklasan mo na imahinasyon lang pala yun nung direktor na gumawa nung paborito mong pelikula. mapagiisip isip mo na hindi ka pa demonyo para makasapi sa ibang tao.

eh di malungkot ka uli. susunod naman eh yung kakausapin mo sila sa panaginip. sa wakas! sigurado ka na na uubra to. ikaw mismo napanaginipan mo yung lola mong namatay na kinausap ka. mag-aantay ka nalang ng gabi. medyo sumaya ka ng konti. syempre medyo lang kasi nasa isip mo parin yung ideya na patay ka na.

ayan paparating na ang oras ng pag tulog. tatabi ka sa minamahal mong ina na hanggang ngayon ay walang kamalay malay sa napaka saklap mong kalagayan. habang sya ay naiidlip, sinabi mo na mahal mo siya. hindi sya umimik. nagsalita ka uli. hindi ka parin pinansin. sinubukan mo uling pumasok sa kanyang panaginip. teka. kelan ka naman natuto pumasok sa panaginip ng may panaginip. hindi mo pa yon alam. ni hindi ka nga sigurado kung pwede eh. dumating na ang uamaga, tumilaok na ang manok, nagising na ang lahat at ni isang salita ay wala ka paring naipapahatid sa mga mahal mo sa buhay.

at ang walang katapusang tulad ng dati, malungkot ka nanaman. maawa ka ngayon sa lahat ng namatay. matinding pangungulila ang iyong pagdadaanan. pero dahil kahit mangulila ka magpakailanman, walang magbabago. kaya ititigil mo ang pagmumukmok at mag iisip.

isa nanamang magandang ideya ang parang bumbilyang sisindi sa iyong patay na kukote. maghahanap ka nang kapwa mo patay. magpapaturo ng mga kinagawiaan ika nga. hahanapin mo yung mga nauna na sayo na hindi pa pumapalangit o pumapailalim. eto na ang solusyon sa iyong pangungulila.

malas mo lang. saan ba nangaling ang ideya na nakikita ng mga kaluluwa ang kapwa nya kaluluwa? di ba sa buhay? eh di mag hahanap ka ng walang saysay nyan. ni hindi mo alam kung may hinahanap ka nga. ilang araw mo kaya maiisip na posibleng tulad ng mga buhay, hindi mo din sila nakikita? isa, dalawa? lima? walang silbi ang magbilang. kasi darating din ang panahon na mapapagtanto mo na hindi mo din sila nakikita. at hindi ka din nila makikita.

hindi ka na magmumukmok. sawa ka na eh. pero malulungkot ka parin;. maiisip mo ang napakaraming bagay na pinagsisisihan mo. mga bagay na hindi nagawa, nasabi, at hindi nakamit. pagsisisihan mo yung date nyo nung mahal mo na hindi mo sinipot dahil sa mapapabayaan mo ang iyong pag-aaral. mantakin mo nga naman. hindi mo pala yun magagamit. hindi mo pala maabot ang pangarap mo. kung ano man yon. doktor, abugado, arkitekto, manunulat, businessman, kahit ano pa yang pinaghahandaan mong kinabukasan. wala din pala. maasar ka. iisipin mo na kung alam mo lang na mamamaalam ka nang ganito kaaga eh ginawa mo na lahat ng luho mo. sayang sayang sayang.

magigising ka. panaginip pala.

ano na gagawin mo?

hulaan ko.

tulad ng dati.

walang magbabago sayo.
hindi mo parin malalaman kung ano ang mga mahahalagang bagay.

kahit alam mo na balang araw, habang buhay kang ,magdurusa.

magdurusa sa kalungkutan.
magdurusa sa panghihinayang.
basta.

Saturday, February 04, 2006

subukan mo kaya

nasubukan mo na bang gumising isang umaga at ang unang taong iyong nakita ay ang iyong minamahal na mahimbing ang pagkakatulog sa iyong bisig?
napakasarap...
nakatabi mo na ba ang iyong pinakamatalik na kaibigan, sabay nakikinig ng isang awitin, nakaupo sa dalampasigan, tinatanaw ang isang isla sa bughaw na dagat, ang hangin dahan-dahang umiihip sa inyong mga mukha habang pinaguusapan ang inyong mga pangarap?
walang katulad...
narinig mo na ba ang kampana ng simbahan habang ika'y naglalakad patungo sa simbang gabi?
nakakagaan ng loob...
nakapiling mo na ba ang iyong barkada sa gabi ng todos los santos sa isang lumang bahay, nagtatakutan, nagtatawanan?
hindi malilimutan...
nagawa mo na bang pumasa sa isang pagsusulit sa math ng hindi nagaaral at tatlong araw ng walang tulog?
nakakatawa...
nakapag-wala ka na ba sa videoke kasama ng iyong mga kaibigan?
nakakabaliw...
un lang